Isang himig ang aking narinig
Minsa’y nanaginip ating bansa’y umaawit
Isang himig pagibig ang hatid
Ang musika’y batid sa bawat puso at isip
* Ikaw at ako tayo ay pilipino
Isang bansa ba’t di magkaisa
Isang dugo, isang lahi, isang musika
Ang pangarap ko’y bansang mapayapa
Isang himig pag-ibig ang hatid
Ang musika’y hatid sa bawat puso at isip
Isang awit ang aking narinig
Kristiyano at Muslim
Magkaisa sa awitin